Sen. Pimentel, pinapakasuhan ang nasa likod ng pagtatapon sa Pilipinas ng basura mula sa South Korea

Manila, Philippines – Pinasasampahan ni Senator Koko Pimentel ng kaso ang nasa likod ng 6,500 tonelada ng basura mula sa South Korea na itinapon sa Mindanao noong Hulyo at Oktubre ng nakaraang taon.

Diin ni Pimentel, ito ay paglabag sa Tariff and Customs Code at sa Toxic Substance and Hazardous Wastes and Nuclear Wastes Control Act of 1990.

Higit sa lahat, ay sinabi ni Pimentel na ito ay pagyurak sa dignidad ng ating bansa.


Ang pahayag ni Pimentel ay sa harap ng napipintong pagbyahe ng nabanggit na mga basura pabalik ng South Korea sa January 9.

Base sa mga dokumento, ang Verde Soko Industrial Corporation ang consignee ng nabanggit na mga basura na unang idineklara bilang raw materials sa paggawa ng furniture.

Pero nabuking na ito pala ay pawang mga ginamit na dextrose tubes, bulok na diapers, batteries, bulbs at electronic equipment.

Samantala, humihingi din ng update si Pimentel sa estado ng tone-toneladang mga basura na itinapon naman sa bansa ng Canada noong 2013.

Facebook Comments