Friday, January 16, 2026

Sen. Ping Lacson, dedma sa banat sa kanya ni Sen. Rodante Marcoleta

Hindi pinatulan ni Senate President pro-tempore Panfilo Lacson ang galit ni Senator Rodante Marcoleta kaugnay sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Matapos ang privilege speech ni Marcoleta kagabi ay hindi na sinagot o dinebate ni Lacson ang senador at agad lamang ini-refer sa Blue Ribbon Committee ang kanyang talumpati.

Gayunman, may post sa kanyang X account si Lacson kung saan sinabi nitong may isang matalinong tao ang nagturo sa kanya na ang pinakamagandang tugon sa mga walang kabuluhang bagay at katahimikan.

Sinundan pa ito ng isa pang post ngayong umaga kung saan sinabi ng mambabatas na ang pinakamaingay sa isang silid ang siyang pinakamahina.

Hindi man pinangalanan pero nakasaad din sa post ni Lacson na may pinatutungkulan siyang napakaingay, mayabang o agresibo at paraan ito dahil lumilikha siya ng imahe ng pagiging malakas sa pamamagitan ng ingay.

Dagdag ni Lacson, mas mainam na huwag na lamang siya pansinin at hayaan lang siyang mag-ingay.

Facebook Comments