Sen. Ping Lacson, maglalabas ng “very important witness” sa pagdinig ng ghost flood control project; mga bagong papangalanang opisyal ng gobyerno na dawit sa katiwalian, asahan

Asahan na may mga bagong papangalanan na mga opisyal ng gobyerno ang sinasabing “very important witness” na ihaharap ni Senate President pro-tempore Ping Lacson sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee patungkol sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Lacson na nagbabalik Chairman ng Blue Ribbon Committee, ang “very important witness” na ito ay magbabanggit ng mga bagong impormasyon at mga dawit sa ghost flood control projects at magpapatibay sa mga may kinalaman sa maanomalyang mga proyekto sa mga naunang idiniin sa katiwalian.

Magiging daan din aniya ang naturang testigo para ma-wrap o maibuod na ang lahat ng dapat na malaman patungo sa prosecution at conviction ng mga sangkot sa flood control anomalies.

Mayroon aniyang naging tulay para makausap ang naturang testigo at isinasapinal na ng komite ang affidavit at maging ang mga dokumento na ipiprisinta ng testigo.

Kung walang magiging schedule ng budget sa susunod na Biyernes ay itatakda ni Lacson sa November 14 ang pagpapatuloy ng pagdinig sa flood control scandal.

Facebook Comments