Sen. Ping Lacson, naniniwalang mayroong pagkilos para pabagsakin ang Gobyernong Marcos

Kumbinsido si Senate President pro-tempore Ping Lacson na mayroon talagang pagkilos para pabagsakin at i-total reset ang gobyerno.

Total reset aniya, ibig sabihin wala ang Pangulo, wala rin ang bise presidente, at kahit ang succession o mga sumunod na pwedeng mamuno sa bansa ay wala rin kaya mauuwi sa civil-military junta.

Ayon kay Lacson, sa kanyang pag-aanalisa sa mga nangyari nitong nakaraan ay coordinated, orchestrated, at calibrated ang mga pagkilos para pabagsakin ang buong gobyerno.

Naniniwala ang mambabatas na sinasamantala ng mga partisan group ang persepsyon na unstable ngayon ang gobyerno.

Nagbabala naman si Lacson na napakapambihira na gumanda ang kalagayan ng isang bansa dahil sa pag-take over o pamumuno ng militar.

Facebook Comments