
Nilinaw ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson na kabilang pa rin si dating Speaker Martin Romualdez sa mga irerekomenda ng draft partial report ng isinagawang pagdinig ng Blue Ribbon Committee tungkol sa maanomalyang flood control projects.
Iginii ni Lacson na mali ang mga nagsasabi na hindi na makakasuhan si Romualdez.
Kasama aniya sa naging basehan nila para mairekomendang makasuhan si Romualdez ay ang testimonya ng nawawalang dating sundalo nasi Orly Guteza na una ng lumutang sa pagdinig ng senado at inilahad ang pagde-deliver ng male-maletang pera kina dating Congressman Zaldy Co at Romualdez.
Maging ang naging testimonya ng mag asawang Discaya na idinawit din ang dating House Speaker ay kasama sa mga magiging batayan.
Inaasahang mamaya bago ang sesyon ay magpupulong aniya ang mayorya para talakayin ang draft report ng Blue Ribbon kaugnay ng flood control scandal.










