Friday, January 16, 2026

Sen. Ping Lacson, pinayuhan si Cong. Leandro Leviste na huwag bara-bara sa pagbanat sa flood control scandal

Pinayuhan ni Senate President pro-tempore Ping Lacson si Congressman Leandro Leviste na maghinay-hinay din sa madalas na paglabas sa balita tungkol sa mga isinisiwalat nito sa mga anomalya sa mga proyekto ng Department of Publis Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Lacson, nagpadala rin ng mensahe sa kanya si Senator Loren Legarda, ina ni Leandro, para humingi ng tulong na mapayuhan ang neophyte congressman na kumalma muna.

Ibinahagi umano ni Legarda na dumadaing at umiiyak si Cong. Leandro sa kanya dahil sa tindi ng balik o batikos sa kongresista matapos na isiwalat ang mga impormasyon tungkol sa hawak na files mula sa DPWH.

Dahil bagito pa sa politika ay batid niyang hindi pa alam ng kongresista ang laro na kapag bumabatikos ka ay asahan mong babalikan ka pero hindi ibig sabihin lahat ng kritisismo ay totoo.

Payo ni Lacson kay Leviste, huwag araw-araw nasa balita dahil nakakaumay din kung palagi na lang makikita sa telebisyon lalo’t pinaniniwalaan din ng senador na may intensyong patahimikin ang batang kongresista dahil sa mga paninira sa kanya.

Facebook Comments