Sen. Poe at Villar, nanguna sa final and official tally ng Comelec

Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing ng 167 na Certificates of Canvass (COC) nitong May 13 elections.

Sa final and official tally ng Comelec as of 1:20 Miyerkules ng madaling araw, nanguna pa rin sa senatorial race si

  1. Cynthia Villar – 25,283,727
  2. Grace Poe – 22,029,788
  3. Christopher “Bong” Go – 20,657,702
  4. Pia Cayetano – 19,789,019
  5. Ronald “Bato” Dela Rosa – 19,004,225
  6. Sonny Angara- 18,161,862
  7. Lito Lapid – 16,965,464
  8. Imee Marcos – 15,882,628
  9. Francis Tolentino – 15,510,026
  10. Aquilino “Koko” Pimentel III – 14,668,665
  11. Ramon “Bong” Revilla – 14,624,445
  12. Nancy Binay – 14,504,936

Dahil dito, itutuloy na ng Comelec mamayang alas-10 ng umaga ang proklamasyon ng mga nanalong senador habang sa ganap na alas-7 naman ang mga nanalong partylist.

Facebook Comments