Nagbabala si Sen. Grace Poe sa posibleng epekto sa pagkansela ng kontrata ng Maynilad at Manila Water.
Ayon kay Poe na Chairperson ng Senate Committee on Public Services, maaaring maapektuhan ang mga proyekto para sa mga Water Services na aabutan ng expiration ng kontrata sa 2022.
Dahil dito, dapat magkaroon ng independent audit body na magbabantay sa gastos ng Maynilad at Manila Water sa mga proyektong nasimulan na.
Itinanggi naman ng Dept. of Justice (DOJ) ang mga haka-hakang may papasok na bagong Water Concessionaire kaya nire-review ang kontrata ng Maynilad at Manila Water.
Ang ugat ng utos ng Pangulo ay ang nangyayaring krisis sa tubig.
Facebook Comments