Sen. Poe, tiwalang makakarating sa Sandiganbayan ang kaso laban kina dating DOTC Sec. Abaya

Manila, Philippines – Umaasa si Committee on Public Service Chairperson Senator Grace Poe na iaakyat ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga kasong katiwalian na isinampa ng Dept. of Transportation laban kay dating DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya at iba pang opisyal.

Kaugnay ito sa P3.81 billion pesos na halaga ng maanumalyang maintenance contract para sa Metro Rail Transit o MRT.

Binigyang diin ni Sen. Poe na pagkakataon ito ng Ombudsman na magpakita ng independence at determinasyon na labanan ang katiwalian, sinuman at anuman ang political affiliations ng mga sangkot.


Ayon kay Poe sa pagdinig ng Senado ay lumitaw din namaanumalya ang kontra na iniaward sa Busan Universal Rail Incorporated o BURI na wala naman aniyang kakayahan na i-maintain ang maayos na operasyon ng MRT.

Lumabas din aniya sa pagdinig ang ginawa ng BURI na paggamit ng hindi akma at hindi maaasahan na spare parts sa MRT kaya lagi itong may aberya at mapanganib sa buhay ng mga pasahero.

Giit ni Poe, dapat tiyakin ng Ombudsman na mapapanagot ang nabanggit na mga opisyal sa kapabayaan, kapalpakan at panloloko nila sa taumbayan at pagsasayang sa pera ng mamamayan.

Facebook Comments