Manila, Philippines – Umaasa si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi aabuso ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
Ayon kay Recto, hindi dapat abusuhin ng mga sundalo at pulis ang kanilang otoridad sa mga sibilyan sa ilalim ng umiiral ngayong batas militar.
Kasabay nito ay napahayag si Recto ng pagrespeto sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo.
Ipinunto ni Recto na maliban sa tubong Mindanao ay ito rin ang may higit na impormasyon sa tunay na kondisyon ng seguridad higit kaninuman.
Naniniwala din si Recto na “drastic at dramatic move” katulad ng deklarasyon ng martial law ang kailangan para maparalisa ang Maute Group at Abu Sayyaf Group.
Samantala, kinumpirma naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto III na natanggap na ng Senado kagabi ang proclamation number 216 mula sa malakanyang kung saan nakasaad ang dekalarasyon ni Pangulong Duterte ng martial law at suspensyon ng Writ of Habeas Corpus sa buong Mindanao.
DZXL558, Grace Mariano