Sen. Revilla, hiniling sa DILG at PNP na magpatupad ng “one strike policy” para sa mga karumal-dumal na kaso ng pagpatay sa mga lokal na pamahalaang opisyal

Hiniling ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa Philippine National Police (PNP) na magpatupad agad ng “one-strike policy” sa mga opisyal at tauhan ng PNP sa mga lugar na magkakaroon ng karumal-dumal na kaso ng karahasan.

Ang suhestyon ng senador ay kasunod ng mga naitatalang kaso ng assassinations o pagpatay sa mga dati at kasalukuyang halal na lokal na opisyal ng gobyerno kung saan pinakahuling kaso ay ang pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa pagpapatupad ng “one strike policy”, otomatikong maaalis sa pwesto, ang mga pulis na mabibigong makatugon sa mga ganitong klase ng krimen.


Agad ding pinagsasagawa ng paglilinis ng kanilang mga tauhan sa PNP upang maalis ang mga tiwaling miyembro sa kanilang hanay na bulag na o di kaya ay sangkot na sa mga iligal na aktibidad.

Sinabi pa ni Revilla na ang mga pagpaslang na ito ay direktang pambabalasubas sa umiiral na batas ng ating bansa at isang malaking sampal sa ating demokrasya.

Facebook Comments