Kumbinsido si Senate Blue Ribbon Committee Chairperson, Sen. Richard Gordon na may bribery na nagaganap sa pagpapalaya ng mga inmates sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa pagdinig ng Senado kahapon, naniniwala si Gordon na may bayarang nangyayari kapalit ng kalayaan ng mga preso.
Aniya, sinumang inmate na ipapasok sa bilibid ay tiyak na gagawa ng hakbang para mapadali ang kanyang buhay habang sinisilbi ang kanyang sentensya.
Mayroon ding computation si Senate Pres. Tito Sotto III na nasa 11,000 bilanggo sana ang nakatakdang palayain pero napigilan ito dahil sa paglaki ng kontrobersiya.
Iginiit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat makasuhan si Faeldon dahil sa pagsisinungaling nito upang makatakas sa kanyang pananagutan hinggil sa pagpapalaya sa rapist-murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.