Manila, Philippines – Pormal nang sinampahan ni Senador Antonio Trillanes sa Office of the Ombudsman ng patong patong na kaso si Senador Richard Gordon kaugnay ng umanoy maanomalyang paglalagak niya ng kaniyang pork barrel funds sa Philippine Red Cross.
Kasong plunder, Malversation of public funds, paglabag sa sect 10 of govt. procurement reform act , graft practices act ang isinampa ni Trillanes.
Kasamang kinasuhan ni Trillanes si Gwendolyn Pang ng PRC.
Mula taong 2004 hanggang 2012 noong unang termino ni Gordon sa Senado, naglagak umano ito ng 193 million mula sa kaniyang PDAF sa PRC.
Ayon kay Trillanes bilang Chairman, si Gordon din ang mismong nagdisburse ng pera na wala namang kaukulang bidding at pagdang ayon ng Board of Governors.
Wala rin aniyang kaugnayan sa PRC ang pinagkagastusan ng pera kundi para sa kaniyang personal na interest.
Tinukoy niya ang ibat ibang gamit sa kampanya ni Gordon noong 2010 .
Hihilingin din Trillanes sa Commission on Audit na magsagawa ng special audit sa pondo ng PRC.
At susulatan din niya ang International Federation of the Red Cross para mag-imbestiga.
Kaakibat din ng isinampang kaso ang kahilingan na suspindihin muna si Gordon bilang Senador.