Sen. Risa Hontiveros at Taiwan President Tsai Ing-Wen, nagpulong; pambu-bully ng China, tinalakay

Tinalakay nina Senator Risa Hontiveros at Taiwan President Tsai Ing-wen sa pulong ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea at ang paninindigan ng Taiwan sa kanilang independence.

Ang ginanap na pulong ay bahagi ng pagsisikap ng senadora na makapagsulong ng mga panukala na magtutulak ng kapayapaan sa nasabing rehiyon.

Layunin ng pulong na mapag-usapan ang legislative roadmap na kanyang irerekomenda pagbalik sa Senado para mapalakas ang seguridad, ekonomiya, at labor relations sa teritoryo sa kabila ng mga pag-atake ng China sa West Philippine Sea at sa bahagi ng South China Sea.


Sa meeting ay ibinahagi ni Hontiveros sa pangulo ng Taiwan ang madalas na pananakot, pagbabanta at harassment ng China sa ating Philippine Coast Guard (PCG) at mga mangingisda.

Samantala, sinabi naman ni Hontiveros na hindi manghihimasok ang Pilipinas sa isyu ng independence ng Taiwan pero nangako ang senadora na susuporta siya sa mga bansang pumapanig para sa demokrasya.

Giit pa ng mambabatas, ang kapayapaan lamang ang tanging mapagpipilian para sa patuloy at pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Taiwan at tiwala ang senadora na ang tunay at pangmatagalang kapayapaan ay tuluyang mananaig.

Facebook Comments