Sen. Risa Hontiveros, dismayado sa patuloy na pambabarat ng sibuyas sa mga magsasaka

Dismayado si Senator Risa Hontiveros sa patuloy na pambabarat sa mga magsasaka sa kanilang mga aning sibuyas.

Ito ay dahil sa patuloy na mababa ang farm gate price pero mataas pa rin ang presyo ng mga itinitindang sibuyas sa merkado sa kabila ng harvest season at pagpasok ng mga imported na sibuyas.

Giit ni Hontiveros, walang “choice” ang mga magsasaka kundi ibenta ang kanilang mga ani sa presyong barat dahil kung hindi ay mabubulok lamang ito.


Kung ganito aniya ang palaging mangyayari ay hindi na darami ang mga magsasaka na magtatanim ng sibuyas dahil sa sobrang pagkalugi.

Iminungkahi ni Hontiveros na tularan ng Department of Agriculture (DA) ang diskarte ng India sa pagpapalakas ng cold storage supply kung saan tinatapatan ng gobyerno ng India ang investment ng mga negosyante sa cold storage facility dahilan kaya mas mataas ang bilang ng cold storage ng nasabing bansa kumpara sa Pilipinas.

Batay sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), sa kabila ng pambabarat sa farm gate price ng mga magsasaka, nananatili pa rin na higit sa isandaang piso o P120 hanggang P140 ang presyo ng kada kilo ng pulang sibuyas habang P100 per kilo naman sa puting sibuyas.

Facebook Comments