Sen. Risa Hontiveros, hinamon si Pastor Apollo Quiboloy na lumabas na sa kanyang lungga

Hinamon ni Senate Deputy Minority Leader Senator Risa Hontiveros si Pastor Apollo Quiboloy na lumabas na sa pinagtataguang lungga matapos na maglabas ito ng mga kondisyon para sa kanyang paglantad sa pinakahuling inilabas na audio message.

Sa kondisyon ng religious leader, nais niya na magkaroon ng kasulatan sa pagitan ng Gobyerno na hindi manghihimasok ang Federal Bureau of Investigation (FBI), Central Intelligence Agency (CIA) at ang US embassy sa mga kasong kinakaharap sa Pilipinas dahil kung hindi, ay hindi siya mapapasuko.

Hamon ni Hontiveros kay Quiboloy na tutal ay nagpapaunlak ito ng interview sa mga vloggers, ay lumabas na ang pastor sa kanyang lungga at magpa-interview na rin sa Senado.


Aniya pa, kung talagang matapang ang religious leader ay ulitin at patunayan nito ang kanyang mga bastos na paratang sa mga senador at gawin niya ito sa loob ng Senado.

Dagdag pa ni Hontiveros, hindi nila uurungan ang pastor at tuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Committee on Women kahit wala si Quiboloy.

Facebook Comments