Wednesday, February 25, 2026

Sen. Risa Hontiveros, hindi sasama sa inaasahang dayalogo sa pagitan ng mga senador at ng Chinese Embassy

Hindi sasama si Senator Risa Hontiveros sa planong pakikipagdayalogo sa pagitan ng mga senador at ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.

Giit ni Hontiveros, bago sana mag-aya ng dayalogo ang ambassador ay mag-sorry muna ito tungkol sa mga sinabi laban sa mga senador.

Isa na rito ang pagtawag ng Chinese Ambassador na isang “political stunt” ang ipinasang Senate Resolution 256 ng Senado na kumukundena sa mga pagbatikos ng Chinese embassy sa ilang mga opisyal ng bansa.

Dagdag ni Hontiveros, ang international relationships ay katulad sa interpersonal relationships at hindi ito mahirap na unawain para sa isang diplomat.

Matatandaang noong Lunes ay nakipagpulong na si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo kay Ambassador Jing at nagkasundong magkaroon ng bukas na communication lines sa halip na magbanatan sa mga interviews at social media.

Facebook Comments