Sen. Risa Hontiveros, hindi suportado ang panawagan ni dating Sen. Leila de Lima na magbitiw sa pwesto si VP Sara Duterte

Tutol si Senator Risa Hontiveros sa pahayag ng kaibigan niyang si dating Senator Leila de Lima, na magbitiw na sa pwesto si Vice President Sara Duterte.

Kaugnay ito sa naging pahayag ni de Lima, na panghihimok kay VP Duterte na bumaba na lang sa puwesto kung kokontra lang ito sa mga hakbang ng pamahalaan lalo na ang pagbuhay muli ng peace talks sa mga komunistang grupo.

Ayon kay Hontiveros, ang pagbibitiw ng sinumang cabinet official ay personal na nilang desisyon.


Ang bawat isang gabinete aniya ay nagsisilbi sa kagustuhan ng pangulo.

Paliwanag ng senadora, ang peace talks ay wala sa core competence ng portfolio ni Duterte bilang ito ay kalihim ng Department of Education (DepEd).

Facebook Comments