
Iginagalang ni Senator Risa Hontiveros kung sakaling magdesisyon sina Senators Bam Aquino at Kiko Pangilinan na sumama sa mayorya at suportahan si Senate President Chiz Escudero.
Para kay Hontiveros, hindi niya itinuturing na betrayal o pagtataksil ang anumang magiging pasya nina Aquino at Pangilinan at wala rin siyang pagtatampo sa mga ganitong bagay.
Sinabi ng senadora na bukas siya sa lahat ng options mula ngayon hanggang sa pagbubukas ng sesyon sa July 28.
Sa kasalukuyan, ang pinagtutuunan ng pansin ni Hontiveros ay ang pagpapalakas ng oposisyon hindi lamang sa loob kundi pati na rin sa labas ng Senado.
Sa July 28 aniya ay malalaman ang kanyang pinal na desisyon patungkol sa alok ni Senator Migz Zubiri na handa nilang ampunin si Hontiveros sa veterans bloc o kung saang bloke man siya sasama.









