Sen. Risa Hontiveros, iginiit na dapat sa Senado i-detain si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo; kagustuhan ni Guo na manatili sa PNP Custody, kwestyunable sa senadora

Pinuna ni Senator Risa Hontiveros ang impormasyon na mas pinipili ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na ma-detain sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) sa halip na mailipat sa kustodiya ng Senado.

Giit ni Hontiveros, dapat sa Senado dalhin at dito muna i-detain si Guo para makaharap sa pagdinig sa Lunes patungkol sa kaugnayan niya sa iligal na operasyon ng POGO at ang pagtakas nito sa bansa.

Sinabi ng mambabatas na iginagalang niya ang karapatan ng judiciary na maglabas ng warrant subalit ang Senado ang may outstanding arrest order laban kay Guo at ito ang nag-trigger o dahilan ng manhunt at pagkakaaresto ng mga awtoridad sa Jakarta kay Guo.


Malinaw rin aniya sa simula ang commitment ni NBI Director Jaime Santiago na pagkatapos maiproseso si Guo sa NBI at PNP at itu-turnover ang dating mayora sa Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).

Kinuwkestyon din ngayon ni Hontiveros kung bakit hindi magpapyansa si Guo at kailangang malaman din kung bakit mas gusto ni Guo na makulong sa PNP sa halip na sa Senate detention facility.

Facebook Comments