Nagbabala si Senator Risa Hontiveros sa mga myembro ng Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Hontiveros, may mga myembro ng religious group ang mistulang inutusan na makipag-ugnayan sa kanyang opisina para magkunwaring testigo pero ang totoo pala ay pagmumukhaing walang kwenta ang pagdinig ng Senado.
Hindi naiwasan ni Hontiveros na magbitaw ng salita at kwestyunin kung ito ba ay utos ni Quiboloy at kung ito ba talaga ang gagawin ng Anak ng Diyos.
Maliban dito ay nakaranas din ng harassment sa online ang mga testigo mula sa mga KOJC members at mayroon pang impormasyon na pinangakuan ng mga pabor ang mga tiwalag na myembro ng KOJC kapalit ng hindi nila pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado.
Babala ni Hontiveros sa mga nagnanais na sirain at pahinain ang kanilang imbestigasyon na huwag lilinlangin ang institusyon na Senado dahil hindi sila basta-basta maloloko.