Manila, Philippines – Bumwelta si Sen. Risa Hontiveros sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend kung saan sinabi nitong sa susunod na magdedeklara siya ng martial law — ito ay magiging indefinite na at ito ay magiging Marcos copycat o tulad sa batas militar noong rehimeng Marcos.
Ayon kay Hontiveros, sa ilalim ng saligang batas ay wala namang indefinite martial law.
Sakali naman aniyang makahanap ng paraan si Pangulong Duterte upang ipatupad ang naturang uri ng batas military tiwala aniya siyang kokontrahin ito ng taumbayan.
Kung ang orihinal na aniyang martial law na ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay tinalo ng mamamayan tiyak na tatalunin din ito ng publiko lalo na kung gaya-gaya lamang ito.
Facebook Comments