Sen. Risa Hontiveros, nanawagan na kay suspended Mayor Alice Guo na magpakita na sa Senado

Kinalampag ni Senator Risa Hontiveros si suspended Mayor Alice Guo na magpakita na para sa susunod na imbestigasyon ng Senado tungkol pa rin sa iligal na POGO sa Bamban, Tarlac.

Ito ang panawagan ni Hontiveros kasunod ng inilabas na warrant of arrest laban kay Guo at sa pitong iba pa.

Giit ni Hontiveros, hindi mabubura ng kanilang pagtatago ang katotohanan lalo na sa mga pagsisinungaling sa pagkakakilanlan at mga kriminal na mga aktibidad ng POGO.


Sinabi ng senadora na ang pag-iisyu ng arrest order laban kay Guo ay unang hakbang pa lamang para tuluyang mapanagot sa batas ang suspendidong alkalde.

Aniya pa, hindi lang procedural ang pagpapaaresto kay Guo at sa iba pa kundi itinataguyod din nito ang mandato ng Senado na pangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino.

Facebook Comments