Sen. Risa Hontiveros, naniniwalang hindi na babalik ng bansa si Alice Guo

Wala nang tiwala si Senator Risa Hontiveros na babalik pa ng bansa si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Ito’y matapos ilahad ni Hontiveros na nakatakas na palabas ng bansa si Guo batay sa impormasyong nakalap at ibinigay sa kanya ng NBI kung saan July 18 ito nagpunta ng Malaysia at tumawid din sa Singapore.

Ayon kay Hontiveros, sakali mang magtangka si Guo na bumalik sa bansa ay sana mahuli na ito.


Subalit walang kumpyansa ang senadora na magtatangka pang bumalik ng bansa si Guo at mas malaki pa aniya ang tsansang tuluyan itong lumayo.

Aniya, nagawa ni Alice Guo na lokohin sa loob ng isang buwan ang mga otoridad sa pagaakalang naririto pa siya sa bansa kaya ngayon na nabunyag ang pagalis nito ay mukhang malabo na itong bumalik pa.

Facebook Comments