Sen. Risa Hontiveros, sinagot ang Facebook post ni suspended Mayor Alice Guo; Senadora, iginiit na allergic lang siya sa sinungaling

Pinatutsadahan din ni Senator Risa Hontiveros si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos na mag-post ang alkalde sa kaniyang Facebook page ng kaniyang mga hinanakit sa nangyayaring pagdinig sa Senado.

Sa FB post ni Guo, nakasaad na tila “fixated” o nakatutok lamang sa kaniya sina Senator Hontiveros at Senator Sherwin Gatchalian at hindi niya hinahangad na magamit siya ng mga ito para sa kanilang mga political ambitions sabay ng pagtanggi na sangkot siya sa anumang death threats sa mga senador.

Pero ayon kay Hontiveros, huwag mag-aalala si Guo dahil hindi siya “fixated” dito kundi “allergic” lamang siya sa mga gaya niyang sinungaling.


Binigyang-diin ng mambabatas na nagsinungaling si Guo sa koneksyon nito sa POGO at sa kaniyang pagkatao.

Hirit pa ni Hontiveros, papaano magkakaroon ng kapayapaan ng isipan si Guo kung palagi na lamang itong iiwas sa mga tanong lalo’t ang pagpapatawag sa kanya ng Mataas na Kapulungan ay may kaugnayan sa pang-aabuso sa batas ng bansa.

Facebook Comments