
Tinabla ni Senator Risa Hontiveros ang mga pahayag ng tagapagsalita ng Senate Impeachment Court na si Atty. Reginald Tongol.
Ayon kay Hontiveros, malayang magsalita si Atty. Tongol ngunit hindi niya kinakatawan ang buong Senado.
Punto ng mambabatas, ang mga naging pahayag ni Tongol sa mga pulong balitaan sa Senado ay kumakatawan lamang sa posisyon ni Senate President Chiz Escudero at hindi siya kasama dito bilang isang Senator Judge.
Paliwanag ng senadora, ang Senado ay isang deliberative body kung saan nasusunod ang kagustuhan ng mas nakararami.
Iginiit pa ni Hontiveros na hindi tumutugma ang sinasabi na hindi pwedeng mag-convene at gumalaw ang Impeachment court hanggat hindi nagsisimula ang 20th Congress subalit nagdedesisyon na sila unilaterally o sila-sila lang ang nagiging panuntunan ng Impeachment Court.
Bilang respeto sa Senado, umaasa si Hontiveros na hayaan ang mga Senator-Judges na magdesisyon kapag muli silang nag-convene.









