Sen. Risa Hontiveros, tinanggihan ang suhestyon ni Sen. Trillanes na makipag-alyansa sa Marcos administration

Tinabla ni Senator Risa Hontiveros ang mungkahi ng kaalyadong si dating Senator Antonio Trillanes IV na makipagsanib-puwersa ang Liberal Party o ang “pink forces” sa Marcos administration para tapatan ang mga Duterte sa eleksyon ng susunod na taon.

Ayon kay Hontiveros, nauunawaan niya kung saan nanggagaling si Trillanes lalo na sa pagnanais nito na mapigilan ang pagbabalik ng mga Duterte sa kapangyarihan.

Gayunman, sinabi ng senadora na sa ngayon, bilang bahagi ng minorya sa mataas na kapulungan at member-leader ng oposisyon ay hindi siya handa na makipag-alyansa sa kasalukuyang gobyernong Marcos.


Ito aniya ay dahil sa mga hindi pa nareresolbang isyu sa ating kasaysayan tulad ng paglabag sa karapatang pantao, pandarambong, at diktaturya noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng dating Marcos Sr. administration.

Dagdag pa ni Hontiveros, mayroon silang binubuong proposals para sa mamamayan kasama ang ibang mga opposition leaders na “distinct” o iba sa administrasyong Marcos.

Facebook Comments