Hiniling ni Senator Risa Hontiveros kay Vice President Sara Duterte na irespeto nito ang paggasta sa pera ng taumbayan.
Matatandaang naunang kinwestyon ni Hontiveros ang paggamit ni VP Duterte sa P125 million confidential funds sa Office of the Vice President noong 2022.
Giit ni Hontiveros, hindi niya hinihingi ang respeto sa kanya ni VP Duterte kundi ang hinihingi niya ay ang accountability nito sa taumbayan.
Hamon pa ng senadora, i-account na lamang ng bise-presidente kung para saan ang hinihingi pa nitong confidential funds sa susunod na taon.
Pakiusap ni Hontiveros, kung hindi kaya ng ikalawang PANGULO na irespeto ang kanyang mga katrabaho sa gobyerno ay irespeto na lamang nito ang paggastos sa pera ng taumbayan.
Dagdag pa ng mambabatas, mas marami pang patutsada sa kanya si VP Duterte sa halip na magpaliwanag kung para saan gagamitin ang confidential funds.