Sen. Robin Padilla, handang kumbinsihin muli ang Kamara para idaan ang Cha-Cha sa constituent assembly

Handa si Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairman Senator Robin Padilla na muling kumbinsihin ang Kamara para iprayoridad ang pag-amyenda ng economic provisions ng Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly (ConAss).

Nito lamang nakaraang linggo ay inaprubahan sa komite ng Kamara ang panukala na pag-amyenda sa economic provisions bilang Constitutional Convention (ConCon).

Ayon kay Padilla, handa niyang ulitin sa mga myembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kanyang pakiusap na bilang ConAss isagawa ang pag-amyenda sa economic provisions.


Aniya, nagpunta na siya sa Kamara para magpakumbaba at nagmano na rin sa mga mambabatas para ipakiusap ito.

Ipinunto ni Padilla ang limitasyon sa oras at ang malaking pondong kakailanganin kapag ConCon ang paraan na ginamit sa pag-amyenda ng Konstitusyon.

Para sa senador, ang Constituent Assembly ang pinaka-praktikal at pinakamabilis na paraan para baguhin ang economic provisions ng Saligang Batas at ang panukalang amyenda ay idadaan sa plebesito na isasabay sa barangay at SK election ngayong Oktubre.

Facebook Comments