Nagpaumanhin si Senator Robin Padilla dahil sa nag-viral na post na larawan ng kanyang asawang si Mariel Padilla na nagpapa-gluta drip habang nasa loob ng kanyang opisina sa Senado.
Ayon kay Padilla, natatawa na lamang siya sa lumabas na politikal isyu sa kanya.
Sa kabilang banda ay humihingi siya ng paumanhin kung may nakita man ang publiko na masama sa larawan ng kanyang maybahay.
Wala aniyang intensyon ang kanyang asawa na mambastos kaninuman.
Paliwanag ng senador, gusto lamang ng kanyang asawa na i-promote ang “good looks” at “good health”.
Facebook Comments