Sen. Robin Padilla, itinutulak ang Cha-cha sa political provision

Muling binuhay ni Senator Robinhood Padilla ang pag-amyenda sa political provision ng 1987 Constitution.

Ito ay sa kabila ng malamig na pagtanggap ng mga kapwa senador sa Cha-cha na unang nais isulong sa Kamara pero sa aspeto naman ng economic provisions.

Naniniwala si Padilla na panahon na para sa pagbabago sa constitutional terms ng mga halal na opisyal para sa pagkakaroon ng “leadership stability” at “democratic continuity.”


Kabilang sa mga amyenda ay ihahalal ang presidente at bise presidente bilang joint candidates na may apat na taong termino na maaring ma-reelect ng isang beses lamang.

Mula naman sa 24 na mga senador ay gagawin na itong 54 kung saan 24 ang national habang ang 30 ay halal naman mula sa bawat legislative region.

Ang 24 na mga senador na inihalal sa national ay may terminong walong taon pero hindi pwedeng magkaroon ng dalawang magkasunod na termino habang 30 regional senators ay may termino na apat na taon pero hindi pwedeng magkaroon ng higit sa tatlong sunod na termino.

Ang mga kongresista naman ay magiging apat na taon ang termino pero hindi papayagan ng tatlong magkakasunod na termino.

Facebook Comments