Sen. Robin Padilla, naghain ng petisyon sa Korte Suprema para sa isyu ng pag-amyemda ng Konstitusyon

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Sen. Robin Padilla para resolbahin ang isang mahalagang isyu sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Nais din ng senador na magdesisyon ang Korte Suprema kung dapat magkasama o magkahiwalay na boboto ang miyembro ng Senado at Kamara para sa ilang pagbabago sa probisyon sa konstitusyon.

Ihinain ni Padilla, Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ang petisyon dahil tanging ang Korte Suprema ang may kapangyarihan para tugunan ang isyu upang umusad na ang ilang mga pagbabago sa 1987 Constitution.


Aniya, wala pa ring nangyayari sa naturang usapin dahil sa wala pang linaw sa Kamara at Senado kung papabor ba sila sa nasabing pagbabago.

Ayon din kay Padilla, marami nang resolusyon na nagmungkahing amyendahan ang probisyon sa Saligang Batas, pero hanggang ngayon ay “pending” pa rin sila sa mga komite nila.

Nabatid na una nang naibigay ni Padilla ang kopya ng petisyon sa Office of the Solicitor General; Senate President Chiz Escudero; at House Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments