Sen. Robin Padilla, pinapabusisi na sa Senate Committee on Public Order ang naging operasyon ng PNP sa loob ng KOJC Compound sa Davao City

Inaatasan ni Senator Robinhood Padilla ang Senate Committee on Public Order na pinamumunuan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na imbestigahan ang ikinasang operasyon ng Philippine Natonal Police (PNP) sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City noong June 10.

Kaugnay na rin ito sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay KOJC Founder Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa mga patong-patong na reklamo.

Sa Senate Resolution 1051 na inihain ni Padilla ay pinasisilip niya kung may nalabag na patakaran ang PNP kaugnay sa paggamit ng ‘unnecessary at excessive force” sa nasabing operasyon.


Sinabi ni Padilla na may pangangailangan na isulong at protektahan ng PNP ang karapatang pantao na mahalaga para sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan at paggalang sa alituntunin ng batas.

Tinukoy ng senador ang record kung saan may mga ilang pagkakataon na tinawag ang pansin ng PNP dahil sa sobrang paggamit ng pwersa nito sa pagsisilbi ng mga warrants.

Facebook Comments