Sen. Robin Padilla, pinayuhan si Sen. Bato dela Rosa na huwag sumuko sa kapangyarihan ng dayuhan

Pinayuhan ni Senator Robinhood “Robin” Padilla si Senator Bato dela Rosa na huwag na huwag susuko sa foreign power o sa kapangyarihan ng dayuhan.

Kaugnay ito ng isang buwang hindi pagpasok ni Dela Rosa sa Senado bunsod ng pangambang aarestuhin siya ng International Criminal Court (ICC).

Paglilinaw ni Padilla, wala silang kontak at hindi nila nakakausap si Sen. Bato.

Sinabi ng senador na maingat ang ikinikilos ni Dela Rosa dahil dati itong pulis.

Marahil hindi rin siya kinokontak dahil naniniwala silang binabantayan ng mga awtoridad ang kanyang mga komunikasyon.

Kaya naman ang payo ni Padilla kay Sen. Bato: “Never surrender to foreign power” — o sa madaling salita, huwag susuko sa ICC.

Dagdag pa ni Padilla, “no offense to ICC,” at iningles niya ang pahayag para maintindihan ng international tribunal.

Facebook Comments