Wednesday, February 25, 2026

Sen. Robinhood Padilla, nanawagan na huwag ipagkanulo ang mga kasamahang senador sa dayuhang Korte

Umapela si Senator Robinhood Padilla na huwag ipagkanulo ang mga kapwa senador sa dayuhang korte dahil tayo ay mga kapwa Pilipino.

Ito ang naging pahayag ni Padilla ukol sa Senate Resolution 307 na nilagdaan ng grupo ng minority bloc na naglalayong protektahan ang mga mambabatas na sina Senator Christopher Bong Go at Senator Ronald Bato dela Rosa na tinukoy ng International Criminal Court (ICC) na co-perpetrators o mga kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa war on drugs.

Iginiit ni Padilla na kahit sa Rome Statute ay nakasaad na dapat dumaan muna ang Pilipinong may kaso sa local court bago litisin sa ibang bansa.

Kaya umaasa ang senador na makakalusot ang naturang resolusyon at wag naman sana na ipagkanulo ang kapwa Pilipino.

Samantala, tumangging magbigay ng kanyang reaksyon si Padilla sa ginanap na confirmation of charges hearing ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi niya ito pinanood at napakasakit para sa kanya na nililitis sa ibang bansa ang kapwa Pilipino.

Facebook Comments