Naniniwala ang Malacañan na dapat ding maimbestigahan ang mga nilagdaang release papers ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief at ngayo’y Senador Ronald Dela Rosa.
Ito ang pahayag ng palasyo sa gitna ng mga iregularidad sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Mula Abril hanggang Oktubre noong 2018 ay aabot sa 120 henious crime convicts ang nakalaya sa ilalim ng termino ni Dela Rosa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat ding malaman ang mga basehan kung bakit nilagdaan ni Dela Rosa ang mga release papers.
Pero sinabi ni panelo na hihintayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging resulta ng imbestigasyon ng senado.
Giit pa ni panelo, kailangang may magsampa ng reklamo laban kay dela rosa upang may maikasang imbestigasyon.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na tiwala siyang handa si Dela Rosa na magpaimbestiga.