Sen. Sherwin Gatchalian, humingi ng tulong sa PNP matapos makatanggap ng banta sa kaniyang buhay

Sumulat si Senator Sherwin Gatchalian sa Pasay City Police Station para ipabatid na may banta na laban sa kaniyang buhay.

Ipinadala ni Gatchalian ang liham na may petsang July 4 kay Pasay City Police Station sub-station Commander PMaj. Paul Benjamin Mandane.

Sa tingin ni Gatchalian, ang nasabing banta ay resulta ng kanyang aktibong partisipasyon sa imbestigasyon ng Senado sa POGO na konektado kay suspended Mayor Alice Guo at sa pamilyang Guo.


Nakasaad din sa liham na ipinaalam ng staff ni Gatchalian ang kumakalat na video sa online kung saan malinaw na may pagbabanta sa kaniyang kaligtasan.

Hiniling ng senador sa Pasay Police Station na gumawa ng police report tungkol dito at magkasa ng malalimang imbestigasyon.

Umapela si Gatchalian sa PNP na madaliin ang pag-aksyon at tiyakin ang seguridad niya at ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Facebook Comments