Sen. Sherwin Gatchalian, naglabas ng panibagong dokumento sa posibleng pagkakakilanlan ni Mayor Alice Guo

Inilabas ni Senator Sherwin Gatchalian ang isang dokumento na posibleng naglalaman ng tunay na pagkakakilanlan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Batay sa nakuhang dokumento ng senador sa Board of Investments mula sa aplikasyon ng pamilyang Guo para sa Special Investors Resident Visa (SIRV) at sa Bureau of Immigration (BI), hinihinalang si Guo Hua Ping at si Mayor Alice Guo ay iisa.

This slideshow requires JavaScript.


Makikita sa dokumento ang batang larawan ng alkalde kung saan January 12, 2003 ito pumasok sa Pilipinas sa edad na 13 taong gulang.

Sakaling mapatunayan na iisa lang si Guo Hua Ping at si Mayor Guo, lumalabas na ang tunay na petsa ng kapanganakan nito ay August 31, 1990 kung saan magta-tatlumpu’t apat na taon pa lang ito sa darating na Agosto taliwas sa ipinakitang birth certificate ng alkalde sa Senado na ipinanganak siya ng July 12, 1986 kung saan 38 taong gulang na siya.

Nakalagay rin sa dokumento na ang registered mother nito ay si Lin Wenyi na unang lumutang din sa pahayag ni Gatchalian na batay sa kanyang pagsasaliksik, si Wenyi ang ipinapakilalang ina ni Guo sa mga negosyo nito na nasa Valenzuela.

Naniniwala si Gatchalian na lalo lamang pinapalakas nito ang quo warranto case laban kay Mayor Guo.

Facebook Comments