Sen. Sherwin Gatchalian, nagtungo sa NBI para idulog ang nangyaring pangha-hack sa kaniyang credit card

Personal na nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Win Gatchalian para idulog ang problema hinggil sa nangyaring pangha-hack sa kaniyang credit card.

Bukod dito, nakipagpulong din ang senador sa NBI kaugnay sa nangyaring hacking para magbigay ng iba pang detalye.

Nais ni Gatchalian na magkaroon ng pormal na imbestigasyon upang hindi mangyari sa iba ang nangyari sa pangha-hack sa kaniyang credit card.


Iginiit pa ni Gatchalian na dapat na silipin din ang mga protocols na ipinapatupad ng mga bangko upang malaman kung bakit nangyari ang ganitong sitwasyon.

Plano rin niyang maghain ng resolusyon sa Senado para imbestigahan ang mga ginagawang aksyon ng mga bangko gayundin ang hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga ganitong uri ng insidente partikular sa mga may hawak ng credit card.

Nanindigan naman si Gatchalian na hindi niya babayaran ang P1 milyong halaga ng mga alak na binili ng hackers gamit ang kanyang credit card.

Facebook Comments