Manila, Philippines – Kuntento si Senate Majority Leader Tito Sotto III sa naging performance ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang taon ng panunungkulan nito.
Pangunahing pinuri ni Senator Sotto ang matinding hakbang na ginawa ni Pangulong Duterte para sugpuin ng problema sa ilegal na droga.
Positibo din para kay Sotto ang mga aksyon ng pangulo para labanan ang banta ng terorismo.
Ang mga bagay na ito aniya ay hindi ginawa ng nakalipas na administrasyon.
Tinukoy din ni Sotto ang pagpapatupad sa unang taon ng Duterte administration ng free irrigation na malaking tulong sa mga magsasaka.
Gayundin aniya ang free higher education na sisiguro na makakakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak mula sa mahihirap na pamilya.
Tiwala si Sotto, na marami pang magandang maaasahan ang publiko sa ilalim ng administrasyong Duterte.