Sen. Sotto, pursigidong maibalik ang sesyon ng senado sa May 4

Tutol si Senate President Vicente Sotto III sa ideya na baguhin ang legislative calendar ng kongreso dahil sa COVID-19 Pandemic.

Sa isang panayam, sinabi ni Sotto na pursigido siyang ibalik ang sesyon ng senado sa May 4 kahit pa sakaling i-extend muli ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay Sotto, hindi pwedeng baguhin ang legislative calendar ng kongreso.


Aniya, ilang panukala ang kinakailangang ikonsidera at maipasa ng senado kaya posibleng magkaroon agad ng pagdinig sa May 4.

May mga mungkahi rin aniya mula sa mga senador na mapag-usapan na ang kanilang trabaho isang linggo bago mag-resume ang kongreso sa Mayo.

Matatandaang sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na nakikipag-usap na ang kamara sa senado hinggil sa posibleng pagbabago sa legislative calendar sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Facebook Comments