Sen. Tolentino, hiniling kay PBBM na muling magpatawag ng NSC meeting matapos ang marahas na hakbang ng China sa WPS

Nananawagan si Senate Majority Leader Francis Tolentino kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. muling magpatawag ng pagpupulong sa mga kasapi ng National Security Council (NSC).

Kasunod ito ng mga marahas na aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) kung saan muling nalagay sa panganib ang buhay ng tropa ng Pilipinas.

Sinabi ni Tolentino na kailangang makabuo ang pamahalaan ng mas angkop na hakbang sa insidente sa Escoda Shoal kung saan nasira ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos banggain ng Chinese Coast Guard (CCG).


Dapat din aniyang mag-demand ang pamahalaan ng kompensasyon mula sa China para sa pinsalang idinulot sa dalawang barko ng PCG.

Inirekomenda rin ng senador sa Office of the Solicitor General (OSG) at sa Department of Justice (DOJ) na bumuo ng specialized team ng mga abugado na hahawak sa mga maritime cases dahil ang mga kasong ito ay may kaugnayan sa specialized aspect ng international law at maritime law.

Facebook Comments