Sen. Tolentino, itinutulak na maituro sa mga law school ang Maritime Zones at Sea Lanes Act

Isinusulong ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na isama sa curriculum ng mga law school ang pagaaral tungkol sa Archipelagic Sea Lanes Act at Maritime Zones Act.

Sa pagdalo ni Tolentino sa Managers’ Conference ng Radio Mindanao Network (RMN), sinabi ng main author ng dalawang batas sa Senado na batid niyang mahirap maintindihan agad ang mga batas na 18 taon ang hinintay bago tuluyang naisakatuparan.

Ayon kay Tolentino, mahalagang maipaunawa sa mga mag-aaral kung bakit kailangang magkaroon ng bansa ng mga nabanggit na batas bago magpalit ng administrasyon at bago rin magpalit ang China ng kanilang leadership.


Paliwanag ng senador, importante ang Maritime Zones Law dahil ito ang nagbibigay ng boundary sa ating karagatan lalo’t may ibang mga bansang nagkakainteres dahil sagana sa likas na yamang-dagat at langis ang West Philippine Sea (WPS).

Habang ang Archipelagic Sea Lanes Act naman ay nagtatakda sa hangganan ng right of passage sa karagatan at himpapawid sa sakop ng teritoryo ng bansa.

Bukod dito, nabigyan din ng dalawang batas ng birth certificate o title ang ating sakop na karagatan dahil ngayon lamang nailagay sa batas ang pangalan na West Philippine Sea.

Facebook Comments