Sen. Tolentino: Pagpapatuloy sa trabaho ng mga re-electionist na barangay officials, hindi ipinagbabawal

Iginiit ni Senator Francis Tolentino na dapat pa ring gawin ng mga re-electionist na barangay officials ang kanilang trabaho at tungkulin sa mga barangay.

Ito ang binigyang diin ng senador sabay ng pahayag na walang batas na nagbabawal sa barangay officials na ipagpatuloy ang pagtupad sa kanilang tungkulin kahit na sa panahon ng pangangampanya para sa halalan.

Ang naturang pahayag ay sinangayunan din ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia.


Sinabi ni Tolentino na kahit magbibigay ng “undue advantage” sa mga kasalukuyang barangay official na kakandidato rin ay hindi sila maaaring pigilan na isakatuparan ang kanilang tungkulin.

Sinabi pa ng mambabatas na dapat ipatupad ang mandato ng mga opisyal ng barangay upang hindi maapektuhan ang serbisyo sa taumbayan partikular para sa kalusugan at pagapapatupad ng kapayapaan at kaayusan.

Facebook Comments