Sen. Tolentino, pinayuhan si Sen. Bato dela Rosa na ‘chill at relax’ lang sa imbestigasyon ng ICC

Pinayuhan ni Senator Francis Tolentino si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na “chill” at “relax” lang sa gagawing drug war probe ng International Criminal Court (ICC) sa dating administrasyong Duterte.

Si Tolentino ang tatayong legal counsel ni Dela Rosa kung saan ang senador ay kabilang sa iimbestigahan at ipinahaharap sa kaso ng ICC hinggil sa drug war killings noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Payo ni Tolentino kay Dela Rosa, chill at relax lang siya dahil kahit anong imbestigasyon ang gawin ng ICC ay wala naman na itong hurisdiksyon sa Pilipinas.


Hindi rin kinakailangang mag-panic ng senador kahit pa ibinasura ng mayorya ng mahistrado ng ICC ang apela ng gobyerno ng bansa na iatras na ang imbestigasyon sa mga kaso ng extrajudicial killings (EJKs) hinggil sa war on drugs.

Katwiran ni Tolentino, kahit pa majority rule ang nag-reject o nagbasura ng apela ng bansa, hindi naman ito ‘unanimous decision’ patunay na hati ang posisyon ng mga hukom ng ICC at dalawa sa mga ito ang kampi sa Pilipinas.

Sinabihan din ni Tolentino ang ICC na mag-‘double chill’ dahil hindi naman makakausad ang kanilang imbestigasyon lalo’t hindi naman sila makakapasok sa bansa.

Dagdag pa ng mambabatas, batid naman niya na nariyan palagi ang panganib pero wala namang warrant of arrest laban sa senador at sa dating presidente kaya ang kailangan na mayroon tayo ay ‘peace of mind’, chill, at hangga’t maaari ay iwasan ang mga bansang miyembro ng ICC.

Facebook Comments