Manila, Philippines – Naghain ng supplemental complaint sa International Criminal Court sina Sen. Antonio Trillanes at Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa bagong komunikasyon na personal na isinumite nina Trillanes at Alejano sa the Hague sa Netherlands – itinuturing nila ang pagbasura ng kamara sa reklamong impeachment laban sa pangulo na isang pruwebang walang kakayanan at kagustuhan ang pamahalaan na mapanagot ang presidente.
Alinsunod din ang pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng martial law sa Mindanao sa tila kagustuhan nito na magkaroon ng diktaturya sa bansa.
Kabilang din sa bagong komunikasyon ang listahan ng mga pagpatay mula sa paghahain ni Atty. Jude Sabio ng unang komunikasyon sa ICC noong Abril.
* DZXL558*