Manila, Philippines – Nagkamay at nakangiting nagbatian sina Senator Antonio Trillanes IV at Presidential Spokesman Harry Roque sa pagdinig ng Senado hinggil sa panukalang parusahan ang mga taga-gobyerno na magkakalat ng fake news.
Sa pagdinig, kapwa binigyang diin nina Trillanes na nananatili ang kanilang pagiging magkaibigan ni Roque na nagsimula sa pagiging magka-alyado sa oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Kasabay nito, sa hearing nagpahayag ng matinding pagtutol si Roque sa panukalang magpaparusa sa mga nasa gobyerno lalo pa at wala pa rin aniyang kongkretong depinisyon ang fake news.
Sabi pa ni Roque, kapag naisabatas ang panukala ay posibleng magamit lamang ito laban sa mga nasa oposisyon.
Giit naman ni Trillanes, mas mabigat ang responsabilidad ng mga nasa gobyerno kaya dapat sila ang pangunahing lumaban sa fake news sa halip na magpakalat o pagmulan nito.