Sen. Trillanes, hinamon si Pangulong Duterte na magpakalalaki at tigilan ang pag-imbento ng mga akusasyon

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV na panibagong imbento na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang akusasyon na isinara niya online ang mga bank accounts niya sa Singapore.

Diin ni Trillanes, bahagi ito ng paglihis ni President Duterte sa atensyon ng lahat mula sa ginagawang imbestigasyon ngayon ng Ombudsman sa umano’y bilyong pisong savings account nito.

Ayon kay Trillanes, kung may bagong bank account na ibinibintang sa kanya si Pangulong Duterte ay muli siyang pipirma ng waiver sa bank secrecy law para ito ay ipabusisi din sa Anti-Money Laundering Council.


Tiniyak ni Trillanes na hindi sya magdadrama katulad ng ginagawa ng Pangulong Duterte.

Hamon ni Trillanes kay Pangulong Duterte sa halip na magpaligoy-ligoy ay makabubuting magpakalalaki ito at pumirma din ng waiver para patunayan na wala siyang kinukurakot na pera mula sa gobyerno.

Facebook Comments