Sen. Trillanes, hinamon si Pangulong Duterte na magtalaga ng anti mining na secretary ng DENR

92

Manila, Philippines – May hamon si Sen. Antonio TrillanesIV kay Pangulong Rodrigo Duterte.
  Ito ay ang pagtatalaga ng isang anti mining advocatebilang bagong kalihim ng Dept. of Environment  and Natural Resources o DENR.
  Ito ay makaraang hindi palusutin sa Commissin on Appointmentso CA si Sec. Gina Lopez.
  Duda si Trillanes na totoong anti mining ang pangulo.
  Dahil dapat aniya ay hindi nito pinabayaan si Lopez at sahalip ay hiniling sa mga kinatawan ng kamara sa CA na ito ay palusutin.
  Pero ang nangyari ayon kay Trillanes ay mistulangipinakain sa leon ng pagilo si Lopez ng ito ay pabayaan niyang kuyugin ng mgamambabatas na kakampi ng mga mining companies.
   

Facebook Comments