Sen. Trillanes, hindi ikinatinag ang planong paghahain ng kaso laban sa kanya

7
Manila, Philippines – Walang pag-aalala at hindi natitinag si Senator Antonio Sonny Trillanes IV sa plano ng Duterte administration na sampahan sya ng kaso.
 
Reaksyon ito ni Trillanes sa pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na nangangalap na ng ebidensiya ang Department of Justice at ang Office of the Solicitor General Para sya ay makasuhan.
 
Mensahe ni Trillanes, go ahead…bahala anya ang sinuman na gawin ang gusto nilang gawin laban sa kanya.
 
Sabi ni Trillanes, kahit anong mangyari ay tuloy pa rin ang laban niya para mailantad ang katotohanan tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Grace Mariano

Facebook Comments